Ads Top

Dengue (Dengue fever)

Dengue- sakit na nakukuha buhat sa kagat ng lamok na may dalang virus.
              Palatandaan ng taong may sakit na dengue.
1.) Biglaang pagkakaroon ng mataas na lagnat.
2.) Masakit ang mga muscle, mga kasukasuan.
3.) Pagdurugo ng ilong.
4.) Hirap sa paghinga.
5.) Pananakit ng tiyan.
6.) Pagtatae at pagsusuka.
7.)Walang ganang kumain.
8.) Pagkahilo, pagdurugo ng gilagid.
9.) Namumula ang mga balat.


               Mga dapat gawin para makaiwas sa "Dengue"

1.) Magpabakuna kontra dengue.
2.) Panatilihing malinis ang paligid.
3.) Takpan ang mga container na may lamang tubig para di pagbahayan ng mga lamok at nang di sila makapangitlog dito.
4.) Magsuot ng mga damit na mahahaba.
5.)Magpahid ng lotion kontra sa lamok.
6.)Gumamit ng kulambo.
7.) Maglagay ng insect repellant sa loob ng bahay.
8. Mabisa ring pantaboy ng lamok ang dahon ng oregano, kung kayo ay maraming tanim na oregano, kumuha kyo ng sapat na dami ng dahon nito at itapat sa electic fan, dahil ang amoy nito ay ayaw ng mga lamok at ito ay subok ko na.

            Paano gamutin ang dengue sa natural na pamamaraan?

1.) Uminom ng maraming tubig 8-10 glasses a day, para di ma dehydrate ang pasyente.
2.) Uminom ng nilagang dahon ng tawa- tawa.
3.) Kumain ng hinog na bunga ng papaya.
4.) Kumuha ng dahon ng papaya, dikdiking mabuti at ang katas nito ay ipainom sa taong may dengue.
5.)Kumain ng kalabasa, carrot, at spinach.
6.) Uminom ng vitamin C or ascorbic acid.
         

No comments:

Powered by Blogger.