Athletes Foot or Alipunga, paano ito malulunasan sa natural na paraan
Dahil panahon ng tag ulan, uso na naman po ang "athletes foot o alipunga", kaya mag ingat po tayo, at wag masyado magbabasa ng paa, o kung di maiwasan na lumusong sa baha o tubig, Pagdating po natin sa bahay hugasan po nating mabuti ang ating mga paa, at sabuning mabuti, at banlawang mabuti ang ating mga paa, at patuyuin agad, para po makaiwas tayo sa pagkakaroon ng "alipunga".
Ano nga ba ang dapat natin gawin kapag tayo ay may alipunga? Paano po natin ito gagamutin sa natural na paraan?
1.) Hugasang mabuti ang ating mga paa, at maglaga tayo ng dahon ng bayabas, kapag brown na ang sabaw nito pwede mo ng i off ang kalan. At kapag maligamgam na ang sabaw ibabad na po natin ang ating mga paa ng 15-30 minutes gawin po natin ito once or twice a day. Mabisa po ang dahon ng bayabas na panglanggas sa sugat, at ito ay subok na!! Dahil ang dahon ng bayabas ay may taglay na anti microbial para patayin ang mga fungi o fungus na sanhi ng skin disease.
2.) Makakatulong din ang baking soda na may tubig.
Kumuha ng maliit na palanggana, at lagyan ng tubig hanggang kalahati ng maliit na palanggana, lagyan ng 3-4 kutsara ng bakingsoda, haluing mabuti ito, at ibabad ang mga paa 20-30 minutes, pagkatapos ay punasang mabuti ang mga paa at patuyuin. Makakatulong ito pra guminhawa ang ating pakiramdam.
3.) Mabisa ring panlunas sa alipunga ang akapulko, mga dapat gawin, dikdikin mabuti ang dahon nito, at ipahid ang katas nito sa paang may alipunga, makakatulong ito para madaling matuyo ang sugat, gawin ito khit isang beses sa isang araw.
4.) Kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa vitamin C at mineral, makakatulong ito para madaling gumaling ang mga sugat, at mabisang panlaban sa ibat ibang uri ng sakit, at pampalakas ng ating resistensya.

No comments: